<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






you made me feel better
written on Friday, October 1, 2010 @ 5:10 AM ✈

this week was quite great. wala kaming pasok last monday kasi rest day ng mga nag-field trip.tuesday, nag-dry run kami for NCAE. then nung wednesday, bacoor day saka NCAE. oo, sobrang inis na inis ako dahil holiday sana yun kaso biglang umepal yung NCAE. haha! madali lang yung NCAE. at nakakabigla nga kasi sobrang dali-dali lang nung sa math. yung science lang talaga ako nahirapan. well, halos lahat ganun din yung sinasabi. =)) then bago kami umuwi, ang sarap sa pakiramdam nung sabihing walang pasok yung seniors kinabukasan. haaay. sobrang pahinga. pagka-uwi ko, ang sama talaga ng pakiramdam ko. nagmeryenda ako, gumamit ng computer sandali at nahiga sa sofa habang nanonood ng TV. eventually, nagdevelop ang sinat. bigla na lang sumakit ang ulo ko tas lumala pa yung sore throat ko. nakatulo ako mga 7. hindi ako nakapakinig ng brewrats. D: thursday, gumising ako ng masama pa rin pakiramdam pero nung binigyan ako ng mommy ng isang chocnut, sumaya na ako. BABAW KO. =)) then nung hapon, nabasa ko na nagreply si mang tani sa sinened ko sa kanyang message. nakaka-flatterrrrr. :">



kahapon din, game 2 ng ateneo-feu ng UAAP. unahin natin yung sa awards. nakakagulat kasi wala man lang nakakuha ng award from ateneo except for monfort. kitang-kita naman kasi yung improvement niya compared to last season. congrats emman! :) then nung game, yung first and second quarter, medyo hindi na ako umasa na tatapusin na nila ngayon. sabi ko, hassle yun pag tinuloy pa sa sabado kaya sana matapos na rin. nung second qtr, nakahabol ateneo pero sa pagtatapos nung qtr na yun, lamang pa rin FEU. nung third qtr lang sila lumamang pero dikit pa rin. nung fourth qtr, sobrang ganda nung laban and on the last minutes remaining, lamang pa rin ateneo! until before mag-last 2 minutes, naka-3 point si ryan buenafe and that marks the rejoicing of the atenean community kasi 5 na yung lamang. OO, nagchampion ang ateneo  blue eagles! back-to-back-to-back. 3-peat! =)) sobrang saya nung pakiramdam na simula 2008, yung unang taon ng pagsuporta ko sa kanila, hindi nila ako binibigo every year. sa sunday na pala yung bonfire. sad ako kasi hindi ako makakapunta kasi may pasok kinabukasan pero ok pa rin naman kasi nakapunta na rin ako last year. sayang lang kasi nakita ko nag-tweet si chris tiu, pupunta daw siya. awwww. sayaaaang.


CONGRATS BLUE EAGLES! AMDG -- FOR GOD`S GREATER GLORY!

credits:FABILIOH!

0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.