<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






A series of unfortunate events.
written on Saturday, August 21, 2010 @ 9:10 AM ✈

hello! woot. naasikaso ko na namang ayusin ang layout ng blog ko. sa wakaas! ang saya talaga ng pakiramdam pag nagde-date kami ng mga HTMLs. =)) o sige. mag-uumpisa na akong magkuwento tungkol sa mga nangyari ngayong week. 

monday and tuesday. nag-review lang naman kami sa mga past lessons namin. siyempre, 1st quarterly examination na. halos walang klase. hahaha!

wednesday. first day ng exam. english was the first subject. dahil ito ang paborito namin, hindi kami gaanong nahirapan dito. :> tapos yung sa computer, meron akong hindi nasagutan dahil hindi ko 'yun na-review. dapat maniwala na ako sa "expect the unexpected."

thursday. first subject yung math. hay sa wakas. nakahinga ako ng maluwag kasi hindi naman siya gaanong ka-stressful. pa'no ba naman. piniga kaya nun yung utak ko habang nirereview ko yun. haha. tapos 2nd and 3rd test namin yung TLE tsaka values. ayus din naman.

friday. last day ng exam. una naming tinest yung physics. grabe. akala ko hindi ko masasagot ng tama yung sa solving. bigla ko kasing nalimot yung solution. buti nung last 5 mins. na lang, bigla kong naalala. WTH. tapos sumunod na test is economics. madali lang din naman siya pati yung last test namin na filipino, ayus lang din. :))


kahapon, akala ko magiging kumpleto ang araw ko. pero kabaligtaran ang nangyari. 11:30 am dismissal namin pero 12:30 na ako sinundo. ang tindi. akala ko hindi na ako susunduin. anyway, dahil dun, 1:30 pm na ako nakaalis ng bahay papuntang ABS-CBN. ang init kahapon, eh wala pa akong payong. mga 4 pm na ako nakarating ng quezon ave. then when i arrived sa ABS, nagpa-fill up ng maliit na form. dun ilalagay kung saan ka pupunta. then tumawag na yung babae dun sa MYX department. after nun, sinabi niya sa akin na wala daw dun yung nagbibigay nung album. balik na lang daw ako sa monday. na-devastate mundo ko. naisip ko na lang na inexpect na yun ng sister ko kasi gift ko yun for her. tsaka, kailan ako babalik? eh, whole day na classes. D: umalis ako ng compound na lukot ang mukha. nagdesisyon ako na pumunta ng UP Diliman para kumuha ng application form for STFAP. ayun. halos lahat ng kasabay ko sa jeep, taga-UP. nakaka-intimidate tuloy tapos suot ko pa yung little miss blue eagle shirt ko. haha! when i arrived at UP, nagtanong-tanong ako kung saan yung vinzon`s. naka-limang tanong siguro ako pero yung nakapagturo sa'kin where exactly is vinzon`s eh yung mother ng isang taga-UPIS siguro. kasi dun yun sa may field tapos tinitingnan niya yung mga nagso-soccer. sabi ko "excuse me, saan po yung vinzon's?" she replied, *pointing her finger* "there. go straight ahead." at ng dumating ako sa vinzon`s, sabi nung gurad, sarado na daw yung kuhanan nung form. 8-5 daw yun eh 5:30 na nun. and so, umuwi na ako. nakakainis pa kasi sobrang traffic sa bicutan. tapos nalaman ko pang nawala yung health card ko. buti nga expire na yun. nahulog ko siguro sa may LRT nung nagbayad ako. tapos when i arrived sa alabang, nadapa pa ako nung papunta na akong sakayan ng jeep. what an EPIC FAIL day. D: ayaw ko ng ganung klaseng araw. haaay. 10:30 pm na ako nakarating sa bahay.

0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.