<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






Bakit nga ba UP?
written on Sunday, August 22, 2010 @ 3:14 PM ✈


dati-rati, pinapangarap kong maging atenista.pa'no ba naman, eh in love na in love kasi ako sa mga players ng blue eagles. gwapo na, magaling pang mag-basketball at siyempre, matalino. katulad na lang ni chris tiu na dean`s lister. :> pero habang tumatagal, nawawala na yung mga iniidolo ko sa blue eagles. grumaduate na kasi. kasabay nun ang pagde-desisyon kong pangaraping makapasok sa UP. sobrang tayog ng pangarap ko, ano? alam kong mahirap pumasa sa UPCAT. madaming kakumpitensya. bukod pa diyan, mabigat din sa bulsa kung magpapa-aral ka sa UP. hindi naman lahat ng mahihirap kayang mag-aral sa UP, eh except na lang kung may scholarship ka. alam ko, hindi gaanong sigurado kung makakapasok ako sa quota o kung makapasok man, hindi ko gustong pahirapan pa ang magulang ko sa pagbabayad ng P700-P1500/unit. sana talaga maka-apply ako ng scholarship. SANA. pero sa likod ng lahat ng ito. bakit nga ba UP?

  •  ininspire kasi ako ni ramon bautista♥, ate ayah and kuya cyrell cruz, jiggy manicad at iba pang personalidad na nagtapos sa UP na kahit na ganun kalayo ang narating nila, down to earth pa rin! :)
  • ang sarap ng ambience sa loob ng UP diliman. parang nasa gubat ka lang. napaka-friendly din ng mga manong guards and UP ikot manong drivers. btw, ayaw kong nakakakita ng mga naka-mini shorts na estudyante. ewan ko. ayaw ko lang talaga.
  • mataas ang tsansang makahanap agad ako ng trabaho pagka-graduate. siyempre 'pag nakita nilang graduate ka sa prestihiyosong unibersidad na 'yun, siyempre, UP 'yun.
  • malaki ang UP. madami kang pwedeng pasyalan habang break time at masasarap din ang mga binibenta nilang pagkain.
  • lastly, ang mga propesor sa UP, alam kong credible. :D
ayun lang naman. sana sa darating na labsan ng results sa february 2011, makita ko ang pangalan ko dun. ipi-print screen ko yun kung saka-sakali. kung hindi naman, ayos lang. experience din kasi yun.

0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.