<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






The August 23 Quirino Grandstand Hostage-taking
written on Tuesday, August 24, 2010 @ 4:44 AM ✈

hindi ako nakapakinig ng brewrats kagabi dahil sa isang malagim na trahedya. akala ko pa naman, pag-uwi ko galing eskwelehan, makakapagpahinga ako. hindi ko inasahan na makakakita ako ng live hostage drama. ang malala pa sa balwarte natin. hinostage daw kasi ni rolando mendoza yung isang bus na puro hongkong national na turista. tumagal ng halos 11 hours ang nasabing pangyayari. bakit nga ba kasi nagpupumiglas itong si mendoza? bakit siya nang-hostage? meron daw kasi siyang patong-patong na kaso at ang gusto niyang mangyari ay maibalik siya sa pwesto at mabigyan siya ng benepisyo, which to think is mali. if he did something wrong, then he should pay for it in jail. sa ginawa niya, mas pinalala niya pa yung sitwasyon. pulis siya, alam niyang mas bibigat ang kaso niya pag nang-hostage pa siya. siguro gulong-gulo na lang talaga ang utak niya. gusto niyang buhayin ang pamilya niya pero ang masama dito ay nadamay pati yung ibang tao, lalo na`t hindi naman natin ka-lahi kung kaya`t naka-apekto talaga ito sa reputasyon ng bansa natin. ayon sa balita, may 8-9 na patay. siya man ay binawian din agad ng buhay matapos matamaan ng sniper sa ulo. sa kabutihang palad, may ilan pa ring survivors. sa ngayon, pinagbabawalan na muna ang mga hong kong nationals na pumunta ng pilipinas para na rin sa kanilang seguridad. [OTA]


nakikiramay ang buong pilipinas sa hindi magandang pagwawakas ng hostage drama. bilang isang pinoy, humihingi ako ng paumanhin sa kung ano mang damages ang binuhat namin sa inyo, hong kong.

dahil sa malagim na insidenteng ito, habang nanonood kami kagabi ng balita, biglang sinabi sa'kin ni mommy, "huwag  ka ng magrereporter, ah." i don`t know if she takes that as a joke pero sa`kin, tuloy pa rin ang pangarap. i must live the dream of becoming a journalist. alam ko ang panganib. fresh pa sa`kin ang maguindanao massacre. ito ang realidad sa pagiging bahagi ng media. kailangan mong i-relay sa tao kung ano ang nangyayari kahit buhay mo ang nakataya. mas lalo akong na-bilib sa media ng GMA kagabi. ewan ko ba pero sobra akong nilalamig at kinakabahan para sa kanila kagabi. anyhow, wala pa rin akong planong mag back-out sa tatahakin kong landas. ito pa rin. tuloy pa rin ang pangarap.

0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.