<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






BAGYONG ONDOY, YOU`RE SUCH A MAJOR DISASTER
written on Monday, September 28, 2009 @ 4:23 PM ✈

isang napakalaking unos na naman ang dumaan sa bayan kong mahal. setyembre 26, 2009 [sabado], humagupit si ondoy sa ilang parte ng pilipinas kabilang ang metro manila at ang southern luzon. grabe tong si ondoy, nakipagpaligsahan pa ata kay milenyo. pero ang pinagkaiba nga lang, si ondoy mas malakas yung ulan

kesa sa hangin habang si milenyo naman mas malakas ang hangin kesa sa ulan. simula gabi ng biyernes, malakas na ang ulan. tipong masasabi mong "may bagyo". nung mag-gagabi na, medyo humina yung bagyo. paalis na kasi ng PAR. kinabukasan nga, hindi na gaanong nagdulot ng pag-ulan ang nasabing bagyo.

walang pinili si ondoy. mapa-artista, mayaman, katamtaman, mahirap, bata, buntis, matatanda, may birthday, may sakit, may authism, hospital at marami pang iba ay pinahirapan. nakaka-awa talaga. parang first time ko lang narinig na mostly manila ang binaha. mas sanay kasi ako na CAMANAVA ang super affected eh kaso, marikina, cainta, pasig. mygaaash. abot 2nd floor ng bahay ang taas ng baha. tapos, ngayon ko lang ata narinig na kasama ang cavite sa mga lugar na under state of calamity. as in kawawa lahat ng naapektuhan. halos wala ng mapakinabangan dun. puro putik. tsk. yung mga sasakyan, nag-sandwich na.

sumikat masyado ang provident village pansin ko lang. taga-dun si cristine reyes eh. grabe, ilang oras sila nandun sa bubong nila. malamig, walang makain. imagine? :| kahit ako, nakatikim ng souvenir ni ondoy. nung tanghali kasi ng saturday, inutusan ako ni mommy na bumili. useless na magpayong kasi masisira lang. naligo na lang tuloy ako sa ulan. kaya nung gabi, parang binabarena yung ulo ko. super sakit. :(

saturday ng gabi, 12 na halos ako nakatulog. at hindi ako sa higaan ko natulog kundi sa kwarto ni kuya. no choice eh. may tumutulo kasi sa kwarto. :( ayun. halos buong araw ako nakikinig ng balita, nagreretweet ng mga importanteng tweets at natutulog dahil sa malamig na panahon.

may isheshare lang ako.. nung saturday ng gabi, nagtext pa talaga yung cousin kong taga-antipolo. wala raw signal yung internet nila kaya nagrequest na magpa-harvest sa farmville niya. smart pa yung pinantext niya, eh globe kami. XD natawa na lang ako kasi super desidido sila sa ganung bagay. XD

nung sunday, medyo malungkot ako kasi bumalik na ng malaysia si daddy. madaling araw siya umalis. pero nung tanghali, dumating sila lolo at lola galing sa tita ko sa gen. tri. buong maghapon sila dito. nakaktuwa nga kasi nung nanonood kami ng tv nung hapon. may narinig siyang chris tiu, tas sabi niya .. "chris tiu." alam mo yun, parang nirerepeat lang niya yung sinabi. :))) binigyan kami ni lolo at lola ng tig-500. :DD wee. saya.


nga pala, sa mga araw na dumaan, super madami akong hinangaan. mga reporters na kahit na delikado, eh sumusuong pa rin sa baha na lagpas tao na, pati na rin ang pagasa at ang mga rescuers. isa na diyan ang aking bagong idol! si mang thanie! =)))) wahaha. si mr. nathaniel cruz ng PAGASA na hindi napapagod sa pagpapaalala na maging prepared during times ng bagyo. grabe, nakakatuwa talaga siya. :))

feeling ko, sa nagdaang trahedya, sobra ang pagkukulang ng gobyerno. :( at para sa karagdagang mas malalim na talakayan, hintayin ang aking blog post sa eye opener. :D

PS. PHILIPPINES NEEDS YOUR HELP. donate tayo ng kahit anong kaya natin and let`s pray always. :D for more infos go to bianca`s blog.




0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.