<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






and he will be loved.
written on Sunday, September 6, 2009 @ 12:15 PM ✈


ito na siguro ang latest news sa politics ngayon. and this one`s a good news. umatras na nga si mar roxas for presidency para magparaya kay noynoy aquino.masasabing good move itong ginawa ni mar dahil mas malaki ang chance niya kung tatakbo siyang vice president.

unti-unti na nga nating nakikita ang araw na sumisikat mula sa pagkakalubog sa likod ng mga bulubundukin. mababanaag ang isang napakagandang tanawin. isang simula na magpapabago sa ating bansa.

kilala naman siguro ng lahat si sen. benigno aquino III. siya ang anak ng dating presidente ng pilipinas na si pangulong corazon cojuangco-aquino at ng dating senator benigno aquino jr.parehong nakipaglaban ang kanyang mga magulang para sa demokrasya ng pilipinas, parehong itinuturing na bayani. kung mananalo man si noynoy sa pagiging pangulo para sa darating na eleksyon 2010, tila ba mabubuhay na naman ang sigla ng perlas ng silanganan. alam ng marami ang kakayahan niya upang pamunuan ang ating bansa. mapagkakatiwalaan siyang tao lalo na`t kilala ang kanyang mga magulang padating sa politika. hindi malayong mapanatayan ni nonoy ang pagsisilbing inihandog ng kanyang mga magulang.

kung 18 na nga sana ako eh, siguradong sa kanya mapupunta ang boto ko kaso 3 taon pa bago ko makaboto. :| kaya sana yung mga boboto sa darting na taon mapili yung karapat-dapat sa posisyon. yung alam niyong mapagkakatiwalaan, yung alam niyong hindi tayo pababayaan. :D

hinahangaan ko rin ang katapagan ni mar roxas. naging mapagkumbaba siya para sa ikabubuti ng marami.dahil sa kanyang ginawa, mas dadami ang susuporta sa kanya. isa rin naman siyang huwaran pagdating sa serbisyo publiko katulad ng kanyang lolo na si manuel roxas.sabi niya nga sa isang twet niya noon, "My personal ambition ends where my loyalty and love for my country begins. God bless Noy. God bless the Philippines." isang napakamagandang mensahe. :)

sa totoo lang, nakaka-flatter kasi finollow niya ko sa twitter. :)) hehe. o, siya VOTE WISELY na lang. wow. ang nice ng post na ito. i love it. :*


"malayo pa ang May 2010. Isiping mabuti ang ilalagay sa balota para ang Pilipinas ay hindi magdusa."  
-- henna geronimo. :D

0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.