<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






a series of unfortunate events
written on Monday, August 17, 2009 @ 6:23 PM ✈

kung sinuswerte ka nga naman o.

sa dalawang magakasunod na araw, nakaramdam ako ng isang malupit na hagupit ni tadhana. para bang nanadaya siya masyado. alam naman niyang pagnag-meet si ms. walang pasensya at si mr.
kamalasan, giyera ang outcome. tsk.

SATURDAY.

akala ko magiging maganda ang umpisa ng weekend ko. pero hindi rin pala. nung umaga, nagligpit ako ng bahay. kasambahay mode ako. good girl ata to. :)) nung mga tanghali, pagkatapos kong mag-lunch, tinapos ko na yung book na hiniram ko kay tere. at sa wakas, natapos ko lang siya within 4 days. wow. nagulat rin ako dun. LMAO. nang matapos ako, pumunta ako sa harap ng computer. YOU ARE NOT CONNECTED TO THE INTERNET. yan ang bukambibig ng monitor namin. grabe, kulang na lang mag-makaawa ako na sana magconnect na siya kasi gusto ko ng magnet. pero hindi ako pinagbigyan. hanggang gabi, walang puknat niyang sinasabi yun. ang init ko tuloy. i mean, ang init na tuloy ng ulo ko.[OO, alam kong hot na ko dati pa. LMAO.] anyway, natulog ako na may sumpong. sobrang iritable sa nagyari. pero, at least i can say pinasaya naman ako ni chris dahil nakita ko na naman siya sa show niya. LOL. :">

SUNDAY.

nung pagkagising ko pa lang, binuksan ko na agad ang computer, hoping na pagbibigyan niya na akong magnet. pero, sa kasamaang palad, nagmamatigas pa rin siya. ayun, nilayasan ko na lang siya. at dahil nga hindi maka-connect, bababa ang karma ko sa plurk, mananakawan ako sa barn buddy, mamamaho na si powpow ko sa petsoc at ang twitter ko, magiging inactive. :((((( nung tanghali pumunta kami ng alabang. pumunta kami sa globe sa festival mall para ireport ang nangyari. kinabukasan daw nila aayusin. RELIEF. phew. buti naman. dumiretso na kami ng southmall para dun maggrocery at magsimba. pagkatapos naming maggrocery, inutusan kami ni mommy na ilagay muna sa package counter ang mga groceries para makapagsimba muna. itnulak na namin ng sister ko ang push cart papuntang package counter. pagkabigay ko sa lalaki dun, umalis na kami agad. pumunta na kaming simbahan. after naming magsimba, kumain muna kami ng dinner. nung malapit na kaming matapos kumain, tinanong ni mommy kung nasaan daw yung number para ma-claim yung groceries namin. shocks. nakalimutan kong kunin dun sa guy sa may package counter. :| kinabahan tuloy ako.kaya, ayun, pumunta na kami agad sa supermarket. pumunta si mommy sa customer service at tinanong kung pano na ang gagawin. pinakita ni mommy ang resibo at pinahanap nga sa loob ng counter yung plastics. matagal kaming naghintay. almost 30 mins.?

MONDAY

salamat naman at ngayong araw ay ayos na naman ang internet connection namin. THANK GOD! =)))) nalaman ko rin na nanalo ateneo kahapon kasi bumili ako ng newspaper para sa assignment sa history. nakahinga naman ng maluwag. so, pano yun muna. hell week na ngayon eh. examinations na namin sa wednesday and thursday. nerd mode muna ko. ciao! ;;)

PS. kamukha ni jai reyes yung isang honor guard. LOL. masyado na kong addicted sa mga JAI-EYED MAN. kulang na lang, kolektahin ko yun isa-isa at itago sa cabinet. XD


0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.