<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






fun, fun, fun FRIDAY!
written on Sunday, August 30, 2009 @ 11:48 PM ✈


ok. sorry na, ha. super late post na ito. :((( tinatamad kasi ako tsaka busy rin. :| supposedly kahapon ko sana to gagawin kaso ayun nga, pero anyway ang gulo talaga ng mga pangyayari nitong week na ito. di ba sabi ko sa mga past blog post ko na hindi na ako sasama sa play ng florante at laura dahil hindi naman yun required. tsk. hindi rin pala. nung thursday lang sinabi na gagawing required na yung play kasi yun na yung project namin for the 2nd quarter instead na yung noli kasi daw pagnagpa-reserve kami for noli, sa end of october pa. eh, sembreak na yun kaya ayun ung decision nila. so obviously sumama na rin ako kasi ba naman pag hindi ka sumama, ang magiging kapalit nun is gagawa ka ng 60 pages na nobela at ang submission ay sa september 4 na! kumbaga, dapat within 1 week may story ka na, na-type at naprint mo na at na-polish mo na. baka masiraan ako ng ulo nun. kung professional writer nga siguro hindi yun keri, ordinaryong samabayanan pa kaya? tssss.

nag-start ang friday ko sa simbahan. :)) oo, dahil last friday ng month yun, may mass ang buong school. dumiretso na kami sa church. pagkatapos nun, bumalik kami ng school. naghintay hanggang mag-12 tsaka umalis na kami. pagdating namin ng southmall, as usual marami na namang schools. at sa pang-ilang pagkakataon na, lagi naming nakakasabay ang divine light academy. oi, destiny. [sobrang cheesy! ;)] may school pa nga dun MTS yung acronym eh. ka-acronym ng school ko dati. XD pero ang ibig sabihin ng MTS nila ay Merry Treasure School. :D

picture mode kami habang naghihintay. hmmnn. saya! =)))

nung mga bandang 2 pm na tsaka pa lang kami pinapasok sa loob ng theater. salamat, nakaupo na rin kami ng maayos. ang mga buddies ko during the day ay sina hannah at patty. bago mag-umpisa ang play kumanta muna kami ng lupang hinirang. pagkatapos nun, nagstart na yung play. yung mga sinasabi ng characters, patula. yung fight scenes nila florante dun pa-sayaw. oo, ayun nga as in literal na sumasayaw. hahaha. ang cute nga ng steps nila eh. XD at ang favorite ng mga classmates ko -- ang kilig moments. madaming kissing scenes dun. pero pinaka-sweet yung kay florante at laura. yiheee. ang cheesy niyo! :P nung papaalis na kami ng theater, pinatugtog nung in-charge sa audio yung insomnia pero hindi niya tinapos kasi pinatugtog niya yung nobody. haha. mukha ngang na-invade na tayo ng wondergirls kingdom na ang national anthem ay nobody. hindi kaya sila nagsasawa? sa mall, sa bahay, sa school -- puro nobody, nobody but you na lang ang pinapatugtog. haha. anyway, yung over-all ok lang. pero mas nagandahan ako sa noli. mas enjoy yun kasi hindi patula yung pagbigkas ng salita kaya hindi gaanong boring. yun lang naman observation ko. pero hanga ako sa kanila kasi memorize nila ang lines nila ng bonggang-bongga. hindi sila pwedeng mag-adlib eh. XD

pagkatapos ng play, dahil masyadong galante si maria patricia alferez aka patty, nilibre niya kami ni hannah elijah satuna. :DD pumunta kami sa pizza hut. sarap talaga ng cheesy bacon. woot. ang kulit namin, as in! =)))) super kulitan talaga. after nun, pumunta kami ng department store. sabi kasi ni patty habang kumakain kami, meron daw siyang gift check. nag-iisip siya kung anong pwedeng gawin dun. nag-suggest si hannah, sabi niya bili na lang daw kami ng chocolates. so ayun, pinapili kami ni patty ng chocolates na gusto namin. siya ulit sumagot. wooow. swerte namin sayo patty. ;) cadbury. almonds. snickers. at marami pang chocolates. yipee. :)))))

after that, pumunta muna kaming national bookstore kasi bibili si patty ng bookmarks then lastly, sa papemelroti kami napadpad para sa isang remembrance. bumili kami ng isang box na naglalaman ng friend quotes.

at dito na nga nagtatapos ang aming mahabang araw. hehehe.

salamat hannah at patty sa isang masayang araw! :D

PS. FOR MORE PICTURES, CLICK NIYO NA LANG ITO -> florante at laura play [08.28.09]

0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.