<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6181903026876025832?origin\x3dhttp://beneath-the-skies.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.






freaked outcast
written on Friday, August 7, 2009 @ 3:33 PM ✈

IMAGINE ..

naiwan ka sa isang unknown island. walang ibang tao. ang kasama mo lang ay ang mga puno na kumakaway dahil sa malalakas na hangin at ang mga ligaw na hayop na bigla-bigla na lang sumusulpot. ikaw ang hahanap ng sarili mong pagkain. walang kausap. walang ibang gamit. ikaw at ikaw lang. kakayanin mo kayang mabuhay?
maraming tanong sa buhay natin ang mahirap sagutin. katulad na lang ng bakit mahirap huminga pagka naka-dila? uy, tinry niya. mukhang aso lang ah. hehe. PEACE! oh, sige na serious na. bakit ganun? bakit kailangan mong dumating sa phase na mag-isa ka na lang. yung mga dating laging nandyan para sayo, ngayon meron ng ibang kasama. kasamang nagtatawanan at nag-eenjoy sa bawat oras na dumadaan. hindi ka ba nila napapansin? kaya pala, kaya pala pag kailangan ka nila tsaka lang sila lumalapit. mahirap isipin na ang ilang taon niyong pagsasama ay tila ba humihina na. para bang may taning na. siyempre ikaw as a person, nasasaktan ka kasi mahal mo tong tao nito tapos ngayon mas masaya na sa iba. feeling mo tuloy, unappreciated na yung mga ginagawa mo sa kanya. kumbaga, WORTHLESS ka. that may sound so harsh pero that is the truth. nakatatak na sa isip mo na balewala ka. di ba? you treated that person special pero yun ang isnukli niya sayo. it hurts. but sino ka ba naman para pigilan ang desisiyon niya? kung yun ang gusto niya, what could you possibly do to make that person stay?

siguro, bawat daan niya sa kinatatayuan mo, eh may bigla na lang humaharang na wall kaya hindi ka niya napapansin. sa bawat luha na tumutulo sa mga mata mo baka naman nakikita niya na may panyo ka namang hawak, malaki ka na`t kaya mo na yan. siguro, ang iniisip niya "masaya na ako dito eh. salamat na lang nun." tapos ipapakita niya ang napaka-sweet niyang smile na siya namang nagpapa-sakit ng puso mo.

sana naunahan mo ang oras nun pa man. para hindi nangyari ang ayaw mong magyari. pero, sino ba naman tayo? wala tayong kakayahang gawin ito. hindi natin hawak ang mga desisyon. ang kaya lang nating gawin ay hintayin ang mga susunod na kabanata tapos dun lang tayo magre-react pagka nangyari na.

sana`y maibalik ko ang kamay ng orasan
at manatili dun ang tangi kong inaasam
bawat tingin ko sa iyo`y nakikita`y ngiti mo lang
panahong ito`y ayaw ko ng iwan.



0 comment[s] | back to top






© 2008-2017

Layout created by Afeeqah;
edited by yours truly.