Henna Rose Geronimo has a degree in Broadcast Communication. She loves to read and write.
|
first day of my JUNIOR life. :))
written on Wednesday, June 10, 2009 @ 5:08 PM ✈
Ano ba masasabi ko sa first regular class day ko? Actually, kahapon ko pa dapat isusulat itong post na ‘to kaso biglang nagloko ‘yung modem. :| kaya ngayon na lang. umpisahan natin nung umaga .. Mga 5 am : nag-alarm ‘yung alarm clock na doraemon ng sister ko. Pinatay ko. Ayaw ko pa bumangon ee. XD 5:09 am : ‘yung celphone ko naman nag-alarm. Pinatay ko ulit. Sabi ko mga 5:20 am na lang ako gigising. antok pa ko no! XD 5:20 am : finally, bumangon na rin ako. Pray. :) tas diretso init ng tubig. Kahit na na-try ko na nung Monday [orientation namin! :)], na hindi na mag-init ng tubig, hindi ko pa rin kineri ‘yung lamig. Wala ako nagawa. Nag-init na ko. XD nanood muna ako ng tv pampalipas oras tas kumain na rin. Kumulo ang tubig. Sinalin ko na sa timba. Naligo. Bihis. 6:10 am : wow! Ang aga dumating ng service ko. Kung dati-rati 6:30 am ako sinusundo, ngayon almost 6 am na. astig. Naka-lock pa gate. Super madali para makasakay na. nalagay ko tuloy susi ng padlock namin sa bulsa ng uniform ko. Ok lang, maliit lang naman. [kahit na kasama talaga ‘yung susi ng pinto ng bahay namin ‘yun. Kaya medyo mabigat. XD] 6:25 am : aga ko dumating sa classroom. :D 6:45 am: FLAG CEREMONY. Bow. :D 7:00 am : ENGLISH. Mrs. Baysic is our teacher. Ayos lang. masaya naman. As usual, ganun talaga pag discussion sa’min, maraming kulitan, lokohan, jokes and so on and so forth. May assignment agad kami first day pa lang. XD 8:00 am : CHEMISTRY. Waah. Kaloka teacher naming sa chem.. BATAS. Wakoko. Haha. Dati ata siyang commander ng Phil. Navy. Ok lang. mabait naman. Pero serious kung serious. Sabi nga ng classmate ko, meron na nga tayong senior citizen [MR. CAJIGAL – teacher sa TLE.] nun, nadagdagan pa. mga 50-60 yrs. old na ata siya. Dami niyang sinasabi. Tawa kami ng tawa. May nakakatawa talaga dun. PRAMIS! XD para tuloy kaming nanonood ng gag show pag siya teacher namin! Try niyo! XD 9:40 am : RECESS. 10:00 am : FILIPINO. Sir Aguilar. LOKOHAN LANG. wala pang klase. Kinabukasan na lang daw. 11:00 am : HISTORY. Sir Aguilar. Sawa sa mukha niya ee, nu. Haha. Siya ulit. Konting discussion. :D 12:00 pm : LUNCH. Kasabay ko sila Andrea, Tobee, Patty at Hannah maglunch. Pagkatapos ko kumain, gumawa na ko ng assignment sa English. 1:00 pm : GEOMETRY. Sir Arce. Yun, si commander na naman. GAG SHOW MEWD! XD isang oras na tawanan. Hindi pa nakuntento nung umaga. XD 2:00 pm : VALUES EDUCATION. Mrs. Baysic. Good. May binasa lang kaming selection tas answer kaagad at nagbaon pa ng assignment. Nga pala, may assignment din sa Geometry. :)) 2:40 pm : MAPEH. Sir Aguilar. Konting basa. Assignment ulit. :| 3:20 pm : TLE. Eto ang original senior citizen namin. si Sir Cajigal. Walang pinagbago. Ganun pa rin siya. Nagpasulat ng personal info namin tas nag-tackle ng past lessons as in nung 2nd year years pa! waah. 4:00 pm : sa wakas uwian na. pagod. Tambak ang assignments. Ayun. Isang WASAK na araw. XD Another thing, parang Jai Ho na nagiging theme song ng classroom namin! simula umaga, ayun na pinagkakakanta namin. one time nga, nakita ng teacher namin na parang inaantok na kami, pinakanta kami ee. Requested song pa yung Jai ho! Astig di ba? =))) that’s all. Salamat sa matiyagang nagbasa. Sa uulitin. :D 0 comment[s] | back to top |